Nanawagan sa senado ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines na alisin na ang buwis sa kita ng mga guro sa eleksiyon.
Ayon sa ACT, dapat ipasa sa senado ang panukalang batas na magbibigay ng tax exemption sa election service pay o election honoraria bago mag-adjourn ang sesyon sa Pebrero a-4.
Matatandaang taong 2018 ay sinimulan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapataw ng 5% tax sa election service pay kung saan, sa P9,000 na pinakamataas na honorarium ng miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI) para sa 2022 Elections ay kakaltasanito ng P450 para sa buwis.
Ayon sa ACT, aabot sa 112.5 million pesos ang kabuuang buwis na malilikom dito ng gobyerno.
Nito lamang nakaraang taon ay inaprubahan ng kamara ang nasabing panukala pero nakabinbin naman sa senado ang katulad na panukala na inihain nina Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Nancy Binay at Sen. Leila De Lima. —sa panulat ni Angelica Doctolero