Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa Pilipinas dahil sa Omicron variant ng Covid-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umakyat na ito sa 5 matapos madagdagan ng 3 ngayong araw.
Lahat ng nasawi ay mayroong comorbidities kung saan; isa ang partially vaccinated, isa ang unvaccinated at tatlo ang nasa ilalim ng beripikasyon.
Sa huling tala, nasa 535 ang kaso ng Omicron variant ng Covid-19 sa Pilipinas. —sa panulat ni Abby Malanday