Nadagdagan pa ng 23 ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa gun ban na may kaugnayan sa 2022 elections.
Para ito sa kabuuang 393 naarestong indibidwal sa bansa na lumabag sa gun ban.
Ayon sa PNP, pawang sibilyan ang bagong nahuli kung saan dalawam-pung armas, 148 ammunition at limang weapon ang nakuha.
Nagmula ang mga violators sa Manila, Batangas City, Nueva Ecija, Las Piñas, Rizal, Iloilo, Antipolo, Pasig, Cebu, Bacolod City, Albay, Lapu-Lapu City, Parañaque, Batangas, Pampanga, Caloocan at Malabon.
Mula Enero a-nuwebe na simula ng implementasyon ng gun ban, nasa 46,570 checkpoint na ang naisagawa ng PNP. —sa panulat ni Abby Malanday