Nagkasa ng malawakang pagbabakuna sa ilang mga establisyimento sa City of San Fernando ang Pampanga Provincial Government.
Tatagal ng apat na araw ang nasabing aktibidad kung saan, sakop ng nasabing pagbabakuna ang mga batang edad 12 hanggang 17 at edad 18 pataas para sa unang dose.
Bukas din ito sa mga nais mag pabooster shot, kailangan lang magpresenta ng photocopy ng vaccination card, isang valid ID at dapat may sarili na rin itong booster vaccination form na maaring ma-download sa Pampanga Pio facebook page.
Para naman sa mga menor de edad na magpapabakuna, kailangan mag dala ng photocopy ng birth certificate, vaccination ID at ID ng magulang o legal guardian.
Para sa mga 18 years old pataas photocopy ng isang valid ID at vaccination card.
Magtatagal ang pagbabakuna hanggang bukas, Biyernes, Enero a-28. —sa panulat ni Angelica Doctolero