Handang harapin ni Senador Lito Lapid ang kasong graft na isinampa laban sa kaniya ng Ombudsman sa Sandiganbayan.
Ayon sa senador, kaniya itong tinitingnan bilang isang oportunidad upang patunayang inosente siya sa mga bintang na ibinabato laban sa kaniya.
Nakalulungkot lamang ani Lapid ang timing ng Ombudsman dahil tumagal ng 12 taon o halos papatapos na ang kaniyang termino nang i-akat ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kaso.
Nag-ugat ang kaso laban kay Lapid makaraang masangkot ito sa kontrobersyal na fertilizer fund scam na nangyari sa panahon ng administrasyong Arroyo.
By: Jaymark Dagala I Cely Ortega-Bueno (patrol 19)