Limang porsyento na lamang ng adult filipino ang hindi handang magpabakuna laban sa COVID.
Batay ito sa pinakabagong survey ng OCTA Research Group na ‘Tugon ng Masa.’
Isinagawa ang OCTA survey noong Disyembre a–syete hanggang a–dose.
Kumpara ito sa 22% vaccine hesitancy noong third quarter ng 2021 o simula september 11 hanggang 16.
Samantala, nananatiling mataas ang vaccine hesitancy sa visayas at mindanao na kapwa mayroong 9% habang kapwa 3 percent sa National Capital Region (NCR) at balance Luzon.