Nanindigan ang malakanyang sa pagkakaloob ng national telecommunications commission ng frequencies ng abs-cbn sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS), na pag-aari ng bilyonaryong si dating senador Manny Villar.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, walang direktang kamay ang palasyo sa pag-a-assign ng “available and unused frequencies” na channel 2 at 16 sa AMBS.
Humingi lamang anya ng guidance ang National Telecommunications Commission (NTC) Sa office of the executive secretary para sa pagkakaloob ng provisional authority na mag-operate ng Digital Television Brodcasting Sytem gamit ang mga nasabing frequency.
Nilinaw ni Nograles na walang pangalan ng kahit na anumang indibiduwal, kumpanya o entity ang nabanggit nang magpunta ang NTC sa OES.
Ganito rin anya ang naging kaso nang lumapit ang NTC Sa Department of Justice (DOJ) upang humingi ng legal opinion.
Ipinunto ng tagapagsalita ng palasyo na ang NTC Pa rin naman ang magdedesisyon base sa kanilang rules and regulations alinsunod sa batas.