Hinimok ng Election Lawyer na Si Romulo Macalintal ang Commission on Elections na ipatigil ang pag-i-imprenta ng official ballots na gagamitin sa may 9 national at local polls.
Ipinunto ni Macalintal na hindi kasama sa mga iniimprentang balota ang pangalan ng mga kandidato at partylist na nabigyan ng temporary restraining orders laban sa kanilang disqualifications.
Ayon kay Atty. Mac, dapat munang kumuha ang COMELEC ng clearance o clarifications mula sa Supreme Court.
Kamakailan ay sinimulan ng poll body ang printing ng final ballot nang walang mga pangalan nina Wilson Amad, na tumatakbong bise presidente; Norman Marquez sa pagka-senador at party-list group Juan Pinoy.
Ito’y sa kabila ng inilabas na TRO ng SC Laban sa desisyon ng COMELEC na idiskwalipika sila sa halalan sa Mayo.