Unti-unti nang bumababa ang mga naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP Health Service ngayong araw, aabot na lamang sa 2,043 ang naitala nilang aktibong kaso habang nasa 496 naman ang naitalang bagong gumaling sa sakit.
Ito ang dahilan kaya’t umakyat na sa 45,613 ang total recoveries sa hanay ng PNP subalit umakyat din naman sa 47, 782 ang kabuuang kaso matapos madagdagan ito ng 218.
Gayunman, walang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID 19 sa hanay ng PNP kaya’t nananatili sa 126 ang kanilang total death toll. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)