Bukod sa tinapay gaya ng Pinoy Tasty at Pandesal, aprubado na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panibagong dagdag-presyo sa 73 pang klase ng prime at basic commodities.
Alinsunod ito sa updated suggested retail prices na inilabas ng DTI kahapon.
Kabilang sa mga pinayagang magtaas ng presyo ang ilang brand ng sardinas, gatas, kape, instant noodles, de latang karne, sabong panligo at panlaba, bottled water, asin, kandila at baterya.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, hanggang anim na porsyento ang magiging price increase sa mga nasabing produkto.
Sa kabila nito,may ilang produkto pa ringmaaaring pagpilian ng mga consumer dahil sangkaterbang brands ang nananatiling mura.