Ikakasa na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mas mabigat na parusa laban sa mga namemeke ng pera.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, isinusulong nila ang mas mahabang panahon ng pagkakakulong sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang batas.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga namemeke ng pera ay maaaring makulong ng hanggang labindalawang taon at pagmumultahin ng hanggang dalawang milyong piso.
Samantala, inihayag ni BSP Deputy Director Eloisa Glindro na nadagdagan ng 7% ang documented counterfeit banknotes noong 2021.
Nasabat din anya ng BSP ang nasa 12,400 piraso ng counterfeit philippine money na nagkakahalaga ng mahigit 7.8 million pesos simula 2010 hanggang noong isang taon.
Tinaya naman sa 14,300 pirasong pekeng US dollars na nagkakahalaga ng 92.5 million dollars ang nasabat bukod pa sa pagkaka-aresto sa halos 180 fraudster.