Iginiit ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi posible ang napaulat na hacking sa data server ng Commission on Elections (COMELEC).
Batay sa preliminary findings, malabong nagkaroon ng hacking dahil offline ang vote-counting machine at walang data sa automated election system.
Una nang ipinag-utos ni Acting DICT Secretary Emmanuel Rey Caintic sa Cybersecurity Bureau ng Kagawaran na magsagawa ng sariling imbestigasyon hinggil sa issue.
Enero a–10 nang lumabas sa report ng Manila Bulletin na napasok umano ng hackers ang server ng poll body at ninakaw ang usernames at personal identification numbers ng vote-counting machines.