Umabot na sa mahigit 27 milyong piso ang kabuuang bilang ng mga nasamsam na iligal na droga sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), unang nakuha sa buy bust operation sa Caloocan City ang 13.6 million pesos na nakalagay sa loob ng chinese tea bag na pagmamay-ari ng suspek na si Janesa Cabardo Canoy.
Sumunod namang nasamsam ang 13.6 million pesos halaga ng shabu sa naarestong si Aldren Mariscal, 21-anyos sa Makati.
Samantala, nakuha din sa Barangay Tambo , Parañaque City ang 340,000 pesos sa mga suspek na kinilalang sina Kennedy Balan, 25-anyos, at Maynard Delos Santos alias Kuyang, 28-anyos.
Inihahanda na ng NCRPO ang kaukulang kaso laban sa mga nahuling suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero