Nasa downward trend na ang COVID-19 cases sa National Capital Region, lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna at Rizal.
Ayon kay OCTA research fellow Doctor Guido David, bumaba na sa ‘moderate risk’ classification ang probinsya ng Rizal habang ang Metro Manila, Batangas, Cavite, Laguna at Quezon ay nananatili sa high-risk.
Batay sa datos ng gobyerno, nakapagtala ang Rizal ng pinakamababang reproduction number na 0.69 sa Calabarzon habang pinakamataas naman dito ang Quezon na may 1.35.
Bumaba naman sa 0.52 ang reproduction number o bilang ng nahahawaan ng kada isang kaso sa NCR nitong Enero 27 mula sa 0.63 noong Enero 26.
Kaugnay nito, napakagtala ang Cavite ng pinakamataas na Average Daily Attack Rate (ADAR) na 32.66, sinundan ng Laguna na may 31.96 habang ang Quezon ang may pinakamababang ADAR na 11.13
Nanguna naman ang Quezon at Laguna na may pinakamataas na positivity rate na 45% sa Calabarzon habang ang NCR ay 22%.
Samantala, nakapagtala ng pinakamababang Healthcare Utilization Rate (HCUR) na 41% ang Rizal, pinakamataas ang Quezon na may 52% sa mga nasabing lalawigan habang 43% ang HCUR ng Metro Manila.
previous post