Nagpadala na ng subpoena sa administrator ng Manila Arena ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay sa pagkawala ng anim na indibidwal.
Para ito ng anim na empleyado ng Manila Arena sa Sta. Ana district na sina; Manila Arena Administrator Cesar Sulit at ang mga security guards na sina; Mark Carlo Zabala, Rogelio Borican, Bergelio Bayog, Joey Pirrira at Atarnel Arturo.
Pawang nagmula sa Tanay, Rizal ang mga nawawalang biktima matapos isakay sa sasakyan.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP kung may kinalaman ito sa iba ring kaso ng pagkawala ng mga mananabong at matukoy ang sindikato sa likod nito. —sa panulat ni Abby Malanday