NAGPASALAMAT sa mga sundalo ang isang 23-anyos na dating rebelde matapos siyang iligtas ng mga ito kasunod ng naganap na engkwentro sa Golden Valley Mabini, Davao de Oro.
Ayon kay Daniel Moses Dellosa, dating kalihim ng Guerilla Front 2 Sub-Regional Committee ng Southern Mindanao Regional Command ng New People’s Army, hindi siya itinuring na kaaway ng militar kundi binigyan pa siya ng first aid at dinala sa ospital.
Nabatid na matapos masugatan ay inabandona si Dellosa ng iba pang mga miyembro ng komunistang grupo.
Batay sa report ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, si Dellosa ay lumahok sa CPP-NPA noong labingwalong taong gulang pa lamang ito at nasa ikatlong taon ng kanyang kursong BS Applied Physics student sa University of the Philippines-Diliman.
Si Dellosa ay sinasabing miyembro rin ng League of Filipino Students noong panahong iyon.