Pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagpapatupad ng limit sa pagbili ng COVID-19 vaccines sa oras na maging available ito sa merkado.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Myrna Cabotaje, maaari itong limitahan sa tatlo hanggang apat na brand.
Posibleng hindi isama ang Sputnik vaccine dahil sa dami ng portfolio ng bakuna.
Hanggang nitong Biyernes, nasa 60 milyong indibidwal na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang 58.6 na milyon ang fully vaccinated.
Target namang paabutin ito sa 70 milyon bago matapos ang unang quarter ng taon. —sa panulat ni Abby Malanday