Tutol ang isang medical expert sa naging desisyon ng gobyerno na alisin ang facility-based quarantine requirement para sa mga dayuhan at returning overseas filipinos na papasok sa bansa basta nabakunahan na laban sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Anthony Leachon, maaaring magbunsod ang polisiya ng pagkakaroon ng superspreader event.
Sa halip na tanggalin, ipinayo ni Leachon na gayahin ang ibang bansa kung saan kailangang sumailalim kahit sa antigen testing dahil posible pa rin ang breakthrough infections.
Samantala, ibinabala rin ng eksperto ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa labas ng NCR na kadalasang inuuwian ng mga OFWs.
Sa darating na Pebrero a-1 magiging epektibo ang kautusan. —sa panulat ni Abby Malanday