Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na mahigpit na ipatupad ang health protocols sa mga lugar kung saan magbabalik ang operasyon ng sabong.
Ito ay bilang pag-iingat sa Omicron variant ng COVID-19 at pagkakaroon ng superspreader event bunsod ng traditional sabong na pinapayagan sa ilalim ng alert level 2.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat maging maingat, disiplinado at alisto pa rin ang mga lgus kahit ibinaba sa alert level 1 o 2 restriksyon sa kanilang lugar.
Batay sa DILG Memorandum Circular 2022-003, papayagan ang traditional sabong sa ilalim ng alert level 2 basta nasa 50% ang capacity at fully vaccinted ang lahat. —sa panulat ni Abby Malanday