Naglaan ang European Commission ng 21 milyong euro o katumbas ng 1.19 bilyong piso para sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyo, kaguluhan at COVID-19 pandemic sa buong mundo tulad ng Pilipinas.
Ayon kay European Union (EU) Commissioner for Crisis Management Janez Lenarčič, kabilang sa mga tutulungan ang bansang Nepal at Pilipinas na lubos na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette.
Kabuuang 10 milyong euro ang mapupunta sa Pilipinas para sa humanitarian assistance ng mga naapektuhan ng bagyo.
Habang 1.5 milyon ay para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Abby Malanday