Bumaba ang bilang ng bumibisitang turista sa Baguio City matapos itong isailalim sa alert level 3 dahil sa pagtaas ng kaso dulot ng Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay Tourism Operations Officer Aloysius Mapalao, nasa 3,522 visitors ang nakabisita sa Baguio mula sa kabuuang 21,438 na travel request.
Nagmula ito Enero a-10 hanggang a-16.
Habang sa 241,872 visitors na nag-request, 110,217 lamang ang nakapunta mula Enero a-1 hanggang a-16.
Noong Enero a-1 naitala ang pinakamataas na tourist arrivals sa Baguio na nasa 5,492 habang ang pinakamababa ay noong Enero a-16 na nasa 358. —sa panulat ni Abby Malanday