Nasagip sa umano’y cybersex den sa Barangay Limaha sa Butuan City ang walong kabataan na edad 14 hanggang 16.
Isinagawa ang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Regional Police Women and Children Protection Center, batay sa impormasyon mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI).
Ayon sa FBI, na-monitor ang mga cybersex den kung saan dayuhang pedophiles ang kostumer.
Naaresto ang operator ng cybersex den pero nakatakas ang isa pa dala ang batang edad tatlong taong gulang.
Tinatayang tatlong taon nang nag-ooperate ang den na sangkot din umano sa Online Trafficking of Children. —sa panulat ni Abby Malanday