Iniimbestigahan ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang isang TikTok user matapos umanong mag-post ng komento kung saan binantaan nitong itutumba si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Atty. Charito Zamora, officer in charge ng DOJ Cybercrime Division, maituturing itong “serious threat” kaya’t nanawagan ito sa
TikTok Law Enforcement Outreach na imbestigahan ang usapin.
Maliban dito, sinabi ni Zamora na pinasisiyasat na rin nila sa NBI-Cyber Crime Division at PNP-ACG o Anti-Crime Group ang nasabing insidente.
Sa kabila ng natanggap nitong pagbabanta, inihayag naman ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na magpapatuloy ang mga campaign activities ng dating senador.