Ang singaw o canker sore ay isang maliit na masakit na butas na lumalabas sa loob ng bibig sa bandang pisngi, labi, dila at gilagid.
Ayon sa mga eksperto, maaaring makapagdulot ng singaw o canker sore ang mga pagkaing citrus. Gayundin ang paninigarilyo at mga allergy.
Para maiwasan ang singaw, payo ng mga eksperto na umiwas sa chewing gum dahil posible itong magdulot ng iritasyon, gumamit ng sipilyong may malambot na bristle at umiwas sa mga citrus at maaanghang na pagkain.