Nakapagtala ang General Santos City ng dalawang kaso ng Omicron variant.
Ayon sa lokal na pamahalan ng lungsod, ang unang pasyente ay isang 26 anyos na babae, asympthomatic, habang ang pangalawa ay sesenta’y dos anyos na lalaki nakakaramdam ng mild symptom ng covid-19.
Kung saan, isa sa apat na natukoy na close contact ng unang pasyente ang lumabas na positibo sa sakit habang apat ang nahawa sa pitong taong na-exposed sa pangalawang pasyente.
Ang parehong mga pasyente at ang mga nahawaang close contacts ay kasalukuyang nagpapagaling at stable na ang kondisyon. —sa panulat ni Kim Gomez