Posibleng nasa ‘low risk’ classification na lamang ang National Capital Region (NCR) sakaling bumaba pa ang kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang linggo.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), sinabi ni OCTA research fellow doctor Guido David na kasalukuyang nasa moderate risk classification ang Metro Manila kung saan nasa -68% ang growth rate ngayon mula sa -69% kahapon, Enero 29.
23.01 naman ang Average Daily Attack Rate (ADAR) mula sa 31.13 na naitala noong Enero 27.
Habang ang reproduction number o antas ng hawaan ng isang kaso ay bumaba pa sa 0.47 mula sa 0.50 kahapon sa NCR.
Samantala, sinabi ni David na bumaba na sa 40% ang utilization rate ng rehiyon.—sa panulat ni Airiam Sancho