Nagpaalala sa mga employers ang Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa holiday pay sa susunod na buwan.
Sa isang labor advisory, hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pribadong sektor na mahigpit na sumunod sa tamang pay rules para sa Chinese New Year (Pebrero 1) at maging sa anibersaryo ng EDSA Revolution (Pebrero 25) na pawang special non-working holidays.
Ayon kay Bello, ang patakaran sa nasabing holidays para sa ginampanang trabaho ay dapat bayaran ang empleyado ng karagdagang 30% ng kanyang arawang sahod para sa unang walong oras.
Ang mga papasok naman sa holiday kahit dayoff ay dapat bayaran ng dagdag na 50% ng arawang sahod ng empleyado.