DINAGSA ng mga deboto ang Quiapo Church sa Maynila kasabay ng muling pagbubukas ng simbahan.
Maliban sa pisikal na misa, pinapayagan na rin ang pagdarasal at pagluhod ng mga deboto sa altar na maaari lamang gawin kapag walang misa o iba pang aktibidad.
Matatandaang dalawang linggong isinara sa publiko ang Quiapo Church matapos sumirit ang COVID-19 cases sa buong bansa.