Sumampa na sa 497 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nahuling lumabag sa ipinatupad na Gunban simula noong January 9.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), sa nasabing bilang, 16 dito ay mula sa magkahiwalay na checkpoint at police operations sa Caraga, Eastern at Central Visayas, Cagayan Valley at Northern Mindanao gayundin sa Davao at Metro Manila.
42 naman ang naitalang lumabag sa Western Visayas noong January 29.
Nasamsam sa mga suspek ang labing 1 baril, 9 na deadly weapons at 41 isang bala.
Matatandaang noong Biyernes, ay nadagdagan ng 37 ang bilang ng mga sibilyan na naaresto dahil sa paglabag.
Ang Gun Ban ay ipinapatupad ng Commission on Elections (Comelec) upang maiwasan ang karahasan na may kaugnayan sa botohan sa gitna ng papalapit na National and Local Elections sa May 9.
Iiral ang Gun ban hanggang sa katapusan ng pangangampanya ng mga kandidato sa June 8. —sa panulat ni Angelica Doctolero