Isinantabi ng National Bureau of Investigation o NBI ang anggulong may bahid pulitika ang kaso ng ‘laglag-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang inihayag ni Atty. Manuel Eduardo, pinuno ng NBI Task Force TALABA o tanim-laglag bala.
Taliwas ito sa binitiwang statement ni DOTC Secretary Jun Abaya na ang insidente ay may kaugnayan sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Sinabi ni Eduardo na may mga kinikikilan ng pera sa mga nahulihan umano ng bala sa paliparan, indikasyon na may krimen at hindi lamang basta may kinalaman sa pulitika.
By Meann Tanbio | Aya Yupangco (Patrol 5)