Iniimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang isang TikTok user na nagbantang itutumba si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Atty. Charito Zamora, Officer-in-Charge ng DOJ – Cybercrime Division, seryoso ang naturang issue kaya’t inatasan na niya ang tanggapan ni Kerri Woods ng TikTok Law Enforcement Outreach na tutukan ang insidente.
Pinasisiyasat na rin ni Zamora sa NBI-Cyber Crime Division at nagpatulong na sa PNP-ACG (Anti-Crime Group) upang imbestigahan ang nasabing banta ng TikTok user.
Nadiskubre anya nila ang banta umanong pagpatay kay Marcos matapos makatanggap ng tip ang kanilang tanggapan na may kumakalat na post sa naturang social media platform.
Inihayag naman ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ng dating senador na magpapatuloy ang Campaign activities nito sa kabila ng banta.