Halos apat na buwan bago ang halalan 2022, sinimulan nang balasahin ng Commission on Elections ang kanilang Field Officials.
InIhayag ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang nasabing hakbang ay ginagawa tuwing panahon ng eleksyon upang maiwasan ang pagiging pamilyar sa pagitan ng mga opisyal ng poll body at mga pulitiko.
Ayon kay Jimenez, ang serye ng ‘revamp’ ay nagsimula sa Regional Directors sa nakalipas na apat na buwan na susundan ng Assistant Regional Directors at Provincial Supervisors hanggang sa Election Officers.
Nagtatag din anya sila ng Regional Network upang hasain ang Regional Spokespersons na kinabibilangan ng Assistant Regional Directors at Provincial Election Supervisors.