Posibleng magtagal hanggang Abril ang nararanasang La Niña phenomenon.
Ang La Niña ay hindi pangkaraniwang haba ng panahon ng tag-ulan na madalas nangyayari pagkatapos ng El Niño.
Ayon sa Pagasa, maaari namang bumalik sa neutral conditions pagsapit ng Mayo, nangangahulugang sa susunod na tatlong buwan ay posible pa ring makaranas ang malaking bahagi ng bansa ng higit sa normal na dami ng ulan.
Sa Pebrero, maaaring makaranas ng above normal rainfall ang ilang bahagi ng Mindanao at Eastern Visayas.
Posible namang below normal ang dami ng ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Occidental Mindoro at Palawan.
Samantala, isang bagyo kada buwan ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility simula Pebrero hanggang Mayo.