Posibleng mas mataas pa ng (1.8) beses ang aktwal na bilang ng mga kaso ng COVID-19 na naitatala ng Department of Health (DOH) sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang pagtataya ay base sa random antigen testing na isinagawa ng Department of Transportation (DOTr) noong Enero 26 hanggang 27.
Batay aniya sa datos ng DOH, ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila mula Enero 20 hanggang 27 ay 46K.
Nangangahulugan ito nahindi naiulat ng DOH ang aktwal na bilang ng nasabing kaso na kinabibilangan ng mga symptomatic at asymptomatic na sumailalim at hindi sa antigen testing. -sa panulat ni Airiam Sancho