Maraming benepisyong makukuha sa pagkain ng luya o pag-inom ng salabat.
Ayon sa mga Health Expert, ang luya ay nakatutulong upang mapigilan ang pamamaga o sakit na nararamdaman ng isang tao partikular ang may mga athritis at pamamaga ng lalamunan.
Nakakaganda din ng boses ang pag-inom ng isang tasa ng salabat sa umaga at hapon.
Bukod pa dito, magiging malinis at maayos din ang takbo o daloy ng ating dugo sa katawan.
Maiiwasan din nito ang pagkakaroon ng high blood, mataas na cholesterol at palalakasin pa nito ang ating immune system.
Nakakatulong din ito para mawala ang stress at malabanan ang mga cancer cell. —sa panulat ni Angelica Doctolero