Planong isulong ng BBM-Sara UniTeam ang “Pro-Philippines” diplomatic policy sakaling manalo sa 2022 national and local election.
Sa pahayag ng BBM-Sara UniTeam, ang naturang polisiya ay hindi para sa interes ng ibang bansa o alinmang superpower nation kundi para isulong ang kapakanan ng pilipinas at ng mga mamamayan.
Ayon kay presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., hindi siya magiging Anti o Pro-US o China kundi magiging isang “Pro-Philippines” na kaniyang ipaglalaban sakaling maluklok bilang pangulo ng bansa.
Sinabi pa ni Marcos kaniyang nauunawaan ang sigalot sa pagitan ng China at Pilipinas dahil sa agawan sa West Philippine Sea pero siniguro nito na anuman ang magiging desisyon ay para lamang sa kapakanan ng bawat Pilipino.
Samantala, tinukoy naman ni Marcos ang kahalagahan ng pagtatalaga ng isang mahusay na kalihim sa Department of Foreign Affairs na siguradong nauunawaan at tiyak na makakatulong para sa mas maayos relasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa.