Aabot sa mahigit 500 mga baboy ang pinatay ng mga otoridad matapos tamaan ng african swine fever ang Purok San Lorenzo sa Barangay Apopong, General Santos City.
Ayon sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, nagpositibo sa ASF ang mga blood sample na ipinadala noong Enero a-24 dahilan para patayin ang mga nasabing baboy.
Binayaran naman ang mga apektadong backyard raiser ng P5,000 para sa inahin at barako; P3,000 sa grower at P1,000 naman para sa bawat biik.
Samantala, nilinaw naman ng Lokal na Pamahalaan sa lalawigan na isolated incident lamang ang naitalang ASF sa lungsod. —sa panulat ni Angelica Doctolero