Hinuli ng mga otoridad ang isang lalaki makaraang magbirong magpapasabog ng granada sa isang checkpoint sa Davao City.
Ayon sa mga tauhan ng Task Force-Davao, isang Telecommunications Technician na 42-anyos ang nagdeklarang may bitbit na granada.
Agad na umaksiyon ang mga otoridad at naaresto ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law. —sa panulat ni Angelica Doctolero