Kasabay ng pagdiriwang ng Lunar New Year ngayong Pebrero a – primero, ilalarga na ang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.
Epektibo alas dose uno kaninang hatinggabi, buena manong nagpatupad ang Caltex ng dagdag 75 sentimos sa kada litro ng Diesel at gasolina habang 45 sentimos sa kerosene.
Mamayang ala sais naman ng umaga aarangkada ang kahalintulad na price increase ng Shell, Petron, Seaoil, Unioil, Phoenix, PTT Philippines, Petro Gazz habang mamayang alas kwatro ng hapon ang Cleanfuel.
Ito na ang ikalimang sunod na linggong nagpatupad ng price increase ang mga kumpanya ng langis ngayong taong 2022 dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.
Samantala, nagmahal na rin ang LPG ng Phoenix matapos magpatupad ng dagdag kwatro pesos sa kada kilogram habang dos pesos at 24 sentimos sa auto LPG epektibo kaninang alas dose gayundin sa solane epektibo naman mamayang ala sais ng umaga.