Inihayag ng Government Service Insurance System (GSIS) na kabuuang P100M ang kanilang ilalabas para sa hanggang 10K kamag-anak na mga miyembro ng GSIS upang maibsan ang gastusin sa kolehiyo para sa taong 2021-2022.
Ayon sa GSIS, 17,300 ang natanggap na aplikasyon sa buong bansa kung saan, pinili ang mga ito mula sa iba’t ibang rehiyon kabilang na ang 1,581 mula sa National Capital Region; 1,994 mula sa North Luzon; 2,093 mula sa South Luzon; 2,078 mula sa Visayas, at 2,254 grantees mula sa Mindanao.
Bawat estudyante ay makakatanggap ng P10K pagkatapos isumite ang mga kinakailangan sa GSIS. —sa panulat ni Angelica Doctolero