Kinilala ang isang Dubai based OFW na si Deo Macaraig, na hinirang bilang best actor sa Radfest Indie Short Film competition at best supporting actor naman sa the Emirates Short Film Festival sa Dubai.
Ito ay para sa pelikulang “1714” na base sa bible verse na Jeremiah 1714 kung saan gumanap si macaraig na kapatid ng isang COVID patient.
Ayon kay Macaraig, anim na taong gulang pa lang siya noon, hilig na niya ang pag-arte kaya ipinagpatuloy niya ito.
Mensahe naman ang award-winning actor sa mga kapwa OFW na nagnanais sumunod sa kanyang yapak, ay huwag mahihiyang ipamalas ang kagalingan ng mga ito.
Samantala, hindi rito nagtatapos ang serye ng buhay-pelikula ni Macaraig dahil isang full-length film ngayon ang kanilang binubuo.—sa panulat ni Mara Valle