Aabot na sa 24 ang nasawi, kabilang ang walong bata, sa malawakang pagbaha at landslide sa são paulo state sa brazil.
Ayon sa State Civil Defense, mahigit 1,500 na mga pamilya ang nawalan ng tahanan.
Sinabi naman ni São Paulo, governor João Doria na nag-deploy na sila ng working group na binubuo ng mga bumbero, military police at civil defense personnel upang tulungan ang mga siyudad na labis na naapektuhan ng kalamidad.
Naglaan na rin ang pamahalaan ng 2.8 million dollars para sa sampung pinaka-apektadong munisipalidad.