Bumaba na sa 884 mula 1,036 ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.
Batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP), 406 lugar dito ay galing sa Cordillera; 292 sa Ilocos, 152 sa Cagayan; 14 sa National Capital Region; 12 sa Zamboanga, at walo sa Mimaropa.
Aabot naman sa 2,359 katao ang apektado ng mga restriksyon.
Binabantayan ng 226 pulis at 874 force multipliers ang mga lugar na naka-granular lockdown upang matiyak ang seguridad at nasusunod ang minimum health standards.