Posibleng may susulpot pang variant of concern kung marami ang hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ito ang ibinabala ng infectious disease expert at miyembro ng vaccine expert panel ng Department of Science and Technology na si Dr. Rontgene Solante, kaya’t hinihikayat nito ang publiko na magpabakuna na at magpa-booster shot.
Giit ng eksperto, dapat na magkaroon ng proteksyon ang publiko laban sa COVID-19 upang hindi na magkaroon ng heavily mutated variant of concern tulad ng delta.
Sa ngayon ay mahigit 58.7 million o 65.33% ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa bansa.