Nagsimula nang gumala ang mga bata sa unang araw nang pagsailalim muli sa Alert Level 2 ng Metro Manila.
Nagdagsaan na ang mga pamilya sa mga mall at park sa unang araw ng Pebrero na nagkataong deklaradong holiday dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Tiwala naman ang mga tao na ligtas na muling mamasyal dahil bukod sa pagiging fully vaccinated nila, mahigpit pa rin ang ipinatutupad na health protocols.
Sa Maynila, kapansin-pansin ang maraming bata sa Divisoria samantalang binuksan na muli ang open air playground sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
Hindi naman pinayagan ang mga bata sa luneta dahil wala pa umanong inilalabas na guidelines sa security hinggil dito at sarado naman ang Dolomite beach pero may mga namasyal pa rin sa Roxas Boulevard.
Sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayagan na ang mas mataas na kapasidad sa mga establishment.
Samantala, naging emosyonal naman ang ilang OFW’s matapos kaagad makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay nang luwagan pa ang restrictions sa quarantine ng fully vaccinated individuals.