Posibleng lumuwag na ang ilang ospital sa Metro Manila kapag naitayo na ang Southern Luzon multi-specialty medical center sa Tayabas, Quezon.
Ayon ito kay house health committee chair Angelina Helen Tan matapos aprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang counterpart measure na House Bill 7952 para sa pagtatayo ng kauna-unahang ospital para sa iba’t ibang uri ng sakit sa Southern Tagalog.
Sinabi ni tan na maraming mahihirap na may sakit ang makikinabang sa pagtatayo ng Southern Luzon msmc na isa sa magiging APEX hospital o end referral hospital sa lugar at nasa ilalim ng DOH.