Aabot sa 370 ang inaresto ng pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Bulacan-PNP, Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Municipal at City Police Station ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) sa ikinasang operasyon sa Bulacan.
Kabilang sa mga nahuli ay drug peddlers at karamihan dito ay kabilang sa drug watchlist; Most Wanted Person (MWP) na naaresto sa bisa ng warrant of arrest; mga sugarol na nalambat sa ibat-ibang Anti-illegal Gambling Operation habang ang iba pa ay naaresto naman sa iba pang operasyon.
Ayon sa mga otoridad, nagkasa ng week-long simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga pulis kung saan, nakumpiska ang nasa mahigit P4M halaga ng ilegal na droga.
Nakuha sakanila ang 367 pakete ng shabu na may timbang na mahigit 144 grams, 87 pakete at bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na may kabuuang timbang na mahigit 25,000 grams bukod pa sa assorted drug paraphernalias at Buy-bust money.
Isinuko naman sa mga otoridad ang nasa siyam naput pitong baril habang siyam na baril pa ang nakumpiska dahil sa paglabag sa omnibus election code.
Umabot naman sa 1,037 motorista nahuling walang lisenya at walang orihinal na dokumento dahilan para i-impound ang kanilang mga motorsiklo habang patuloy pa itong biniberipika ng mga otoridad.
Ayon sa Bulacan pnp, ang pagkakahuli sa mga suspek ay patunay lamang ng matagumpay na operasyon kontra iligal na droga, loose firearms, illegal gambling, mga wanted at pasaway na law violators. —sa panulat ni Angelica Doctolero