Umaasa ang pamahalaan na mas marami pang paaralan ang magsasagawa ng face-to-face classes ngayong inilagay na sa alert level 2 ang Metro Manila at iba pang mga lalawigan.
Mababatid na mula Pebrero a-1 hanggang a-15 ay nasa ilalim ng nasabing alert level ang Metro Manila, Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan.
Ayon kay acting presidential spokesman Karlo Nograles, maliban sa public schools na sasali sa expanded in-person classes, ay maaari na ring makipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) ang mga pribadong paaralan upang mapahintulutan na rin silang magdaos ng face to face classes.
Gayunman, nilinaw ni Nograles na ibabatay pa rin ito sa assessment ng DepEd at Department of Health (DOH).
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang expansion ng limited physical classes sa mga lugar na isinailalim sa alert level 1 at 2.