Maraming pagkain ang nakatutulong para mabusog ang ating mga tiyan, pero alam niyo ba na ang karamihan dito ay nakakataba na dapat iwasan dahil nakakasama ito sa ating kalusugan.
Ayon sa mga Health Expert ng American Heart Association at American Dietetic Association maging ng mga Nutritionists, Doktor, Researchers na dapat limitahan ng isang tao ang pagkaing nakatataba dahil nagdudulot ito ng ibat-ibang uri ng sakit sa katawan.
kabilang sa mga pagkaing dapat limitahan ay ang:
- pritong pagkain o fried foods dahil mataas ito sa taba at mantika.
- donuts at pastries dahil mataas ito sa calories at asukal.
- candy, chocolate at mga matatamis na may mataas na calories at sugar level.
- matatamis na juices at soft drinks
- potato chips dahil sa sangkap na asin at mantika.
- bacon, hotdogs at sausage dahil may halo itong taba at preservatives at
- hamburgers dahil mataas ito sa taba.
Mas mainam naman kung uminom na lang ng tubig o tsaa dahil walang calories na makukuha dito.
Bukod pa diyan, maganda din sa katawan ang green and leafy vegetables at mas okay kung sasamahan ito ng mga prutas.
—sa panulat ni Angelica Doctolero