Iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaga pa para masabing handa nang isailalim sa Alert level 1 ang Metro Manila.
Ayon kay Vergeire, may sinusunod na mga datos ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagkokonsidera ng Alert level sa bansa.
Sinabi ni Vergeire na sa kabila ng mataas na bilang ng vaccinated individuals, dapat paring ikonsidera ang mga hindi pa bakunado sa bansa na maaaring pag mulan ng mutation.
Dagdag pa ni Vergeire na dapat ay pag-aralan pa ng maigi ng gobyerno ang pagsasailalim sa Alert level 1 ng Metro Manila upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Nauna nang ipinatupad ang Alert level 2 sa Metro Manila na tatagal hanggang a-15 ng Pebrero bunsod narin ng patuloy na pagbaba ng bilang sa kaso ng COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero